Tuesday, December 22, 2009

Lovelite


Minsan ay inaya ako ni Janina sa Lovelite upang kumain ng dinner.
Actually, nitong week lang to nangyari tapos prelims ko pa nga pala. Grabeh, Pumunta kami ng Asturias upang kumain nga sa Lovelite. Ayon kay Janina, masarap ang pagkain dito at mura pa.

So, ang inorder ko ay ang combo meal #3. Oo, tama, combo meal pa talaga. haha. Ayun, ang nilalaman nun ay Burger steak at bacon na binadbaran ng gravy at may kasamang kanin. Oh juice ko! Healthful talaga ang combo meal na yun. Breakfast na breakfast ang dating, sa mantika pa lang solve ka na!

Nakita pa nga namin ni Janina ang blockmate kong si Noellyn na kumakain man sa natatanging lugar.Nagbatian muna kami ni Noelle, at nagkwentuhan ng kaunti bago kami lumisan upang kumain ni Janina. Nagpag-usapan man namin ang exam para kinabukasan (zoo) at ang mga reaksyon namin ay parehas na nakamamatay.
Nasarapan ako sa pagkain at pinangako kong babalik ulit ako doon upang kumain na naman ng combo meal #3.


Kinabukasan, dumating na naman ang gabi at inaya namin sina Ate Kaye at Charis upang kumain sa Lovelite na naman. Masyadong busy si Charis sa mga takdang aralin nya at ako naman ay kinakabahan para sa aming exam. Grabeh talaga! Nabusog na naman ako sa Mantika at Malabnaw na gravy. SUUUU-weeet. Tapos, binili ko pa si Charis ng mountain dew kasi nasa mood akong pasiyahin sya at hindi gawing miserable ang kanyang buhay.

Habang kami ay naglalakad pauwi, nadapa si Charis. Dito nagtatapos ang kwento ko. Sa totoo lamang, ginawa ko itong blog na ito para ikalat sa sankatauhan na nadapa si Charis noong gabing kumain kami sa Lovelite. Gusto ko man ipahiwatig na siya ay isang taong may dalang malas sa mundo. hahaha. Oo, napaka mean ko talaga. Isa tong paraan upang mabayaran nya ang mountain dew.

Mountain dew kapalit ng kanyang kahihiyan at dignidad dito sa Online environment. :)

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment