Tuesday, December 22, 2009

Somniloquy

Sadyang nasa mood ako mag blog ngayon. Sinusulit ko na rin yung time na makakagawa ako. Sarap man kasi i-share ang nangyayari sa buhay ko kasi ako ay isang interesting na tao. Grabeh anng feeling ko talaga. Ahahahaha. Joke lang po.

Meron man kasing tao ng comment sa blog site ko na www.17kings.blogspot.com...ang nakalagay:

“too busy to write? miss you, Sam…”

Oh ayan, may nakamiss na pala sa mga sinusulat ko. Pasesnya na wah. Miss na rin kita. Sorry kung masungit ako kanina sa simbahan…ala ako sa mood. Sad me… Gusto ko mag-moment. Hahaha

Masarap ang tulog ko kagabi. Naging normal ang buhay ko dahil doon. Hirap kasi ako pag may pasok. Ang aga tapos nagpupuyat pa ko sa gabi para lang sa pag-aaral. Ganyan ako. Nagbago nako ngayon. Isa lang yan sa maraming pagbabago sakin.

May ilang gabi na nasaksihan naming si Charis na nagsasalita habang tulog. Hindi naman daw sya nananaginip ng masama ani ni Charis.

Sa pagkakaalam ko, hindi ito night terrors o panic disorder…ito ay tinatawag na Somniloquy. Sleep Talking.

Minsan nasaksihan ni Janina si charis na kumakanta ng “dapitan.” Wala naming kanta sa mundo na dapitan. Ito ay isa na mga kanto na pumapaligid sa UST, at hindi ito kanta. Habang tulog si Charis, kinakanta nya ng paulit ulit ang dapitan…natunog ng alphabet songs…pero isa lang word ang nasa lyrics…ito ay “dapitan”

Saying, hinsi ko na-record. Mahirap i-describe ang pagkanta at tono nito. Next time, aabangan na naming ni Janina.

May isang time naman na ang sinasabi ni Charis ay “ay nako,” ang weird talaga. Tapos frequent pa ang sleep talking nya. Noong una namin natuklasan ang hidden talent nya…natakot kami ni Janina. Kinalaunan…nasanay na rin kami…at NAHAWA.

Ang pinakamatinding hirit ng sleep talking ni Charis ay nangyari nitong lingo lamang.

Lahat kami ay nakahiga na at lights off na. Biglang sumigaw si Charis ng:

“eh-luko-masigah-rah-fashu-ma!”, sabay sipa sa kama ko sa itaas.
Nagising ako at natakot.

Pano kasi, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Parang chant na ewan. Hindi naman ito kanta…lalo ng hindi ito dasal. Nye…ang freaky.

Tapos madali tuloy ako nakatulog dahil sa takot.

Sinabi ko nga kanina na nahawa na rin kami ni Janina kay Charis.
Nitong week lang din nangyari samin yon.
Yung akin, rumor palang…hindi pa confirmed kasi si Charis lang ang nakarinig. Hindi kapani-paniwala. Wahahahah!

Yung kay Janina naman ang nakakatawa. Meron kasi silang quiz sa susunod na araw. Tapos ng review sya…nakatulog ng maaga then narinig naming ni Charis na nagrereview habang tulog.

Sabi ba naman eh, “the Philippine constitution…”
Tapos tinanung ni charis ang tulog…

“huy janina, gising ka pa ba???” may halong takot.

“hindi…gising pako…” sinabi habang dilat ang mata na namumula at naka-dipa paharap ang mga kamay.

Parang zombie na nakapako sa krus. Hahahaha. Nakakatawa talaga!

Pagkatapos ng blog na ito..patay nako kay janina.

Yung kaso ko naman ay mukhang hindi totoo.Kasi nga si charis lang ang nakakrinig.

Sabi ko daw, “ikee…” grabeh. hindi talaga siguro totoo. Madami naming pwedeng sabihin , ikee pa! juice ko. Pwde nmang “shhhhhhh--’’ sobrang cheesy!!!

Sabagay, nangyari yoon nung Wednesday…pumunta ako kila ikee at nag stay buong araw doon kaya siguro.

LESSON: ang sleep talking ay nakakahawa, mas mabilis pa ito kumalat sa a(h1n1).

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment