Tuesday, December 22, 2009
Bulacan
Ang Bulacan,
Lugar ng aking kapanganakan,
Ay madalang ko ng uwian.
Ang lugar kung saan ko nahanap ang mga una kong kaibigan,
Ay hirap ko ng balikan.
Ang pundasyon ng aking edukasyon,
Ang dati kong iskwelahan,
Kung saan ko nakita ang paborito kong Ninang.
Mapa-sampalan ng harap-harapan,
Dito ako natuto ipagtanggol ang aking karapatan.
Maging Ingles, Math, o Panitikan,
Dito ako unang nakipagsapalaran sa ngalan ng pautakan.
Si Robocop na gabay dati sa aming tawiran,
Ngayo'y hindi ko namakita sa aking mga dinadaanan.
Ang lugar na dati naming tinatambayan,
Ay hindi ko na ulit mapuntahan.
Sa mga lugar na yaon nabuo ang pagkakaibigan,
Nag-bahagi ng lungkot at kasiyahan,
Ay ngayon hindi ko na masulyapan.
Maging ang palorista ko at ang kanyang pagupitan,
Di ko na marating ang kanyang yungib ng kabaklaan.
Narasan ko sa Bulacan ang iba-ibang kasiyahan at sari-saring kalungkutan.
Dito man inihatid ang pinakamamahal ko sa kanyang huling hantungan.
Naaalala ko man ang aking Yaya Me-ann,
Andun sa ospital sa puso ng Pulilan.
Inaalagaan ang mga aso ko sa kulungan,
Pinapakain sa umaga, tanghali, at hapunan,
Nang kanilang paboritong ulam na dinuguan.
Eto ako ngayon nakatayo sa may dungawan,
Nakatingin sa labas, hinihintay umulan.
Ako'y umaasa na pasok ay mawawalan,
Nang ako ay tuluyang makabalik sa Bulacan.
Bakit nga ba hindi ako umuwi sa Bulacan?
Eto ako ngayon nakakulong sa may Dapitan.
Ang gagawin ay hindi malaman,
Walang magawa...walang patutunguhan.
Lahat ng nakabasa nito ay nakita ang aking kapalaran,
Maniwala o hindi, hindi kayo mawawalan.
Ang tanging hangarin ko'y gawin itong libangan,
Magkaroon man ng kwenta ito, o sadyang magsilbing walang katuturan.
-S.Reyes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment