Tuesday, December 22, 2009

Busy na ako; Feeling Busy.

Sa totoo lang, madami akong gusting isulat nab log post. Gusto ko kasing ma-share ang aking experiences as a college freshman. In short, para inggitin yung iba. Haha! Joke lang.

And dami kasing changes na nangyayari at may separate post ako tungkol doon. Hindi na rin ako makahanap ng time para sumulat kasi nga “busy” ako.

Madami kasing masaya na nangyayari sakin ngayon at masarap talaga ang feeling pag nakakagawa ako ng blog about it.

Tapos, weekends lang ako my time para makapag internet at gumawa ng posts.
Madalas kulang ako sa tulog at ngayon, may journal writing na naman!!!

Oo, tama! Dati kasi noong high school pa ko, meron kaming journal na kailangan sulatan araw-araw dahil graded ito. Nasayo naman yun kung gusto mong sulatan. Basta ako, sumulat ako nun!

Ngayon naman, sa Filipino subject naming ay pinapagawa kami ng talaarawan. Mas okei pa nga yung difficulty level sa journalism noong high school kesa ngayong college. Pano naman kasi,least dati…English yung sa ibang subjects eh ngayon Filipino lahat. Mahina pa naman ako sa Filipino, tapos bulol pa ko magbasa.

Ayun, nabalik na naman sa buhay ko ang journal writing. At double siya this time kasi member man ako ng Psych Society writers! Oha! Infopsych ang tawag, share lang.

Natupad ang pangarap ko. Sapagkat dati, ang pangarap ko lang ay ang Journal Writing Award sa graduation. Ok lang sakin kahit hindi ako kasama sa top10 o kaya kahit ako pinaka huli sa ranking , makuha ko lang yung award na yun!

Ganun ko talaga pinag-hirapan para lang doon sa award na yun. Parang matter of life and death..kaso alang namamatay. Haha. I’ll sacrifice everything for that award.

Sa kasamaang palad, hindi nakuha nung iba yung award at sakin napunta. Woo! At nasabit pako sa Silver Ribbon sa achievers kaso nawala ko pa ata yung medal ko dun. Naging masaya ako sa Graduation dahil nakuha ko yung gusto ko.

Pinag-hirapan ko talaga iyon nang husto! Sleepless nights, Daytime sleepiness, lahat na ng abnormalities sa sleep nakuha ko dahil doon! Waaa. Tapos may time na meron na rin ibang aspirants for the award and I was about to give up and give away the award to others. Super tamad nako noon.

Hay, kaya kayo na gusto maging journal writing awardee! Hindi niyo kailangan kumpleto everyday ang journal. Wag na kayong magsulat kung wala namang sense yung susulat nyo. Don’t use other words to impress your teacher ‘coz it wouldn’t turn out to be impressive. Hindi nyo kailangan maganda ang penmanship. Hindi man kelangan ng mahabang reflection kung paulit-ulit naman sasabihin nyo. And you don’t need to be somebody else in order to write. Use your words. Express your feelings. Be you.

So much for the tips, going back to the topic. Inaantok nako. And I’m about to end this post na.

So, hindi ako gaanung nahihrapan sa pagsulat ng talaarawan naming ngayon sa Filipino. Mejo nahasa at nasanay nako noong High school sa pagsulat at Mejo konti lang ang pinapasulat ngayon. Hindi kasi padamihan to. Ikaw bahala kung ano gusto mo.

Isa siguro sa sa pinaka-natutunan ko sa CdSP ang journal writing. Actually, hindi talaga siya tinuro formally. Hinayaan lang tayo matuto sa ating sarili. Applicable lang to sakin. Alam ko naman hindi kayo gaanung mahilig magsulat weh, hahaha!

Miss ko na rin mag-blog. Noong bakasyon, ang daming time pero wala naman akong masulat…opposite naman ngayon! Hindi ko na naayos ang blog site ko, eto yun:

www.17kings.blogspot.com


nabulok na. Lahat tuloy ng drafts ko andito sa multiply. Boo! Nakakatamad mag import. Haha. Copy reading pa ulit! Boo! Talaga.

Meron pa pala akong crime na nagawa bago ako nag-graduate with flying journals. Hahahaha! Inuwi ko ba naman yung journals ko, tatlong books na kasi yung nasulat ko. Well, saying naman ang comments at ang hirap ko dun para ma-recycle at sunugin lang. ouch talaga. Kaya inuwi ko.

Pag binabasa ko ulit yung iba kong sinulat doon, natutuwa ako dahil naaalala ko yung mga dati na nangyari noong high school. Hindi man lahat masaya, ok lang kasi sama sama. Hindi nga ako makapaniwala na ako nagsulat nung iba (ang pangit kasi) joke. Haha

Kung dati, school journal lang ako nagsusulat; ngayon, University magazine at paper na! wii. Ang saya.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment