Ito ay isang istorya ng tatlong dalaga, dalawang maganda at isang katanggap-tanggap ang mukha. Seryoso ako, kaya't wag muna kayo magsi-tawa. Itago natin si babe #1 sa pangalang Sam Reyes, si babe #2 (Janina Mercado), at si hunk #3, este BABE, ay Jassiel Gallego (hindi nya tunay na pangalan). Samahan nyo akong bumalik sa nakaraan, balikan ang pinagaralan sa T.L.E na walang kabuluhan.Kung naaalala nyo pa ang subject na yon, doon nag-simula ang aming kwento.
Actually, napaka walang kwenta talaga ng TLE. Luto-luto, laba, tahi, lamon, handicraft...WALANG KAMATAYAN! hindi na dapat ito pag-aralan. Meron kaming project nung 3rd year sa Handicraft...dapat recycled materials lang ang gagamitin. Sa totoo lang, kunwari pang tipid ang papagawin sayo pero gagastos ka pa rin! nakakainis lang. Tatlo kami sa grupo, si Janina at Jassiel ang kasama ko. Naisipan namin gumawa ng Pencil Holder gawa sa lata at papalamutian. Gumamit kami ng lumang magazine at ini-roll ito at kinabit sa mga ata. Isang latang malaki ang ginamit ko. Kay Janina naman at pahabang lata, kay Jassiel dalawang maliit na lata ng sardinas :)) Piknik yung akin!!! talo 555!
Napaka-gothic ng design namin ni Janina yung kay Jassiel napaka bakla...pero FAIL kasi pangit. :)) Mukhang lalagyan lang ng barya yung kanya...mas malaki pa ang pencil. Inadvice kami na gumamit ng poster paint para sa project, hindi kami sumunod kasi mahal iyon. Ako ang naatasan nila Janina na bumili ng pintura. Binili ko yung "CHALLENGER" na paint...yung ginagamit sa bahay istraktura talaga. Mura iyon at malapot pa sa sipon ni Alyssa.
Wait ah, natatawa ako sa mga sinasabi ko. :))
Ayun, nag-start na kami gumawa ng project. Medyo matagal namin ito ginawa. Nakailang meetings man kami before natapos at pinasa. Nagulat kami na kasama pala sa contest ng club celebration ng TLE yung project namin. Tae! napaka pangit pa naman nung samin. :)) parang basurang may design...yung kay Jassiel kasi weh. Parang added accessory lamang.
Nung second meeting namin kami nag-paint. Pagtapos namin mag-paint hinugasan namin ang mga brushes sa CR. Nako, ito na ang climax! Since maarte at tuso kami ni Janina, inuto namin si Jassiel na hugasan ang lahat ng brushes dahil pagod na kami. Lintik lang ano... :)) hindi pa kami bully lagay na yan. Nag-start nung 4th year ang pagiging bully namin.So, ginawa naman ni Jassiel ang mga intutos namin. Hindi namin alam na hindi naman pala marunong maglinis ng brushes si Jassiel. Ang ginawa nya ay kinuskos ang mga brushes sa lababo para matanggal ang pinta. Apaka tanga, hindi pa naman natatanggal yung pintura na ginamit namin!!! Dito na nagkaloko-loko ang buhay namin. Nung una, tawa lang kami ng tawa nang isang araw----
"Sam, kakausapin daw kayo ni Ms.Manlapas", ani ni Carmela (>_<). Si Ms. Manlapas ay ang principal namin nung high school, sa mga hindi nakakaalam. Nakow! ayon na...na-sense na namin kung bakit kami pinapatawag. Inadmit namin ang kasalanan na nagawa. Technically, si Jassiel ang may kagagawan ng lahat pero as a group, walang iwanan kahit kamatayan. Napagalitan kami at inutusan kaming tanggalin ang pintura. Napagalitan si Teacher May (TLE teacher) dahil sa aming ginawang kalokohan. Xempre, wala na kaming mukhang ihaharap kay T.May...nakakahiya talaga at napagalitan pa siya dahil samin. Feel tuloy namin na siya ay galit samin.
Ang ginawa namin hakbang ay bumili ng mga panlinis, kanya kanya kaming dala nila Janina. Sagot ko ang escoba, ang sabon kau Janina, ang kamay kay jassiel. Joke lang! this time, tulung-tulong na kaming gumawa...baka kasi sa susunod masira na ni Jassiel ang buong sink. :))
Mukha kaming kawawa at mga janitor. Yung mga ibang year nakita man kaming nag-lilinis. Puno ng pagtatakha ang kanilang mga mukha. Pano kasi, ang mga maangas ay banyo lang pala ang bagsak! :)) oh juice ko.Hindi namin natanggal. Actually, ok lang naman kung may-paint yun eh. Di naman nakakamatay. Sana pala, mas maganang mga kulay ginamit namin. PO kaya, bumili nalang ang school ng bagong sink kung ayaw nilang makitang pangit, mahal naman tuition namin eh. Pero syempre, hindi ko naman talaga kayang sabihin yan lahat. Ito ay tawag na "Tahimik na pag-aalsa".
Sumulat kami ng letter kay teacher May upang humingi ng tawad sa aming nagawang nakakahiwa ng puso. Pinatawad naman kami at mataas parin ang nakuha namin sa project. Nakahanap si Ms. Manlapas ng alagad para linisin ang namolestyang lababo. Natanggal na ang pinta. Sa wakas!
Isinama sa exhibit ang aming project upang malaman kung sinong grupo ang dapat manalo. Wait! pangit nga pala yung project nung iba...meron pa ngang frame gawa sa nilamas na coca-cola cans (grupo ni Charis), meron namang flower vase na puno ng GAY RIBBONS (kila ikee). :)) Hindi talaga matatapos ang post na ito na wala akong lalaitin.
Wala kaming kaalam-alam na madami pala ang nag-kakagusto sa aming project. Napakaganda daw ito at tulo-laway lahat ng nakakakita. Bukod sa mga henyo ang gumawa, ito ay functional at matibay. Sakyan man ng elepante, hindi ito magigiba.
Isang Monday morning ang dumating, at announcement na pala ng winners. Wala kaming kaalam-alam talaga na totoo pala yung contest. Mukha kasing joke lang. tapos...
NANALO KAMI!
oha oha, galing noh??? totoo yan, at 1st place ang nakuha namin. Daig pa namin yung mga hindi nagkaron ng CR SCANDAL! Ano ang lesson sa istorya?
"Kung minsang nagmukhang criminal, pwede pa ring maging artista."
:))
inspirational pa!
baka gusto nyo ng katibayan, pakita ko pa yung certificate namin.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment