Tuesday, December 22, 2009

Platinum Record

Nitong mga araw na ito…lagi na akong inspired. Sobrang cheesy!!!

Iniisip ko na lang na may pagkain sa susunod na araw kaya ako nag-aaral.
Ganun ang Gawain ko pag tamad na tamad na talaga ako.

Minsan kasi, ang hirap na talaga. Tapos hindi ako sanay na nahihirapan. Ngayon lang College ako.

May time na nakapag-pahinga rin ako sa hapon. Nag cut ako ng classes para makauwi ng maaga. Ahem. Free cut po ang tinutukoy ko, hindi yung illegal. Never kong gagawin yon. Nax naman!


Humiga ako sa kama ni Charis, tapos si Janina naman ay nakahiga sa kama nya. Pinahiram k okay Janina ang ipodTouch ko habang ako naman ay nagpapahinga bago mag aral. Kumakanta ba naman si Janina ng Knock You Down…

Paulit ulit na lang. nakakasawa kaya. Tapos si charis sinumpong na naman ng hindi pagsasalita. Juice ko! Nagiging abnormal na naman sila.

Dahil nga wala akong magawa. Naisipan ko na lang mag text habang nag-cconcert si Janina. Nakita ko yung voice recorder application sa phone ko. Naisipan ko tuloy i-record yung kanta ni Janina gagabeans.

Wala talaga syang kaalam alam na na-record ko na yung knock you down nyang version. Pinakinig ko ito sakanya, at sinampal sampal ako pagkatapos. Pasintabi lang po sa mga batang nakababasa, ang mga sumusunod ay may halong kagimbal gimbal na pangyayari. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Tapos tawa pa kami ng tawa! Pinaulit ulit ko pa ng play yung song nya! Wahahaha.
So, parehas na kaming napagod. Nag-stop na rin syang kumanta.

Ako naman ngayon ang bumirit! Hala, no boundaries ang kinakanta ko na feel na feel pa. nakakahiya talaga. Tapos, na-record man ni Janina!!! Nakaganti ang loka loka. Nakakainis. Tapos si Charis ata nakatulog.

Ayon, natapos na ang pag record record namin. Napagod man kasi kami. Feel ko nga pagkanta ang solusyon sa pagod na utak, katawan, at puso. Ayon! Sobrang cheesy talaga!

Sayang nga, hindi ko parin na-uupload ang Knock You down ni Janina. Ala kasi ako mxadong time.

Ilan lang ito sa mga masasayang pangyayari sa aking mga unang araw ng college.

Song of the day: Knock You Down, by Janina Mercado

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment