Wednesday, December 30, 2009

NIGHT CLUB PACIFIC

Matagal na itong nangyari pero hindi mawala-wala sa aking pag-iisip ang natatanging kalokohan na nagawa. Ilang months na rin kami nila Janina, Charis, at Ate Aira magkakasama sa Pacific Suites. Syempre, merong pinagtibay na pagsasamahan at hindi rin maiiwasan ang mga balak gawing kalokohan. Ito ay isang kwento para magbigay ligaya sa inyong pasko, isang munting regalo na puno ng katatawanan mula sa aking puso. Kailangan lang ng patnubay ng mga magulang sa mga susunod na babasahin. PG 13 ito, (patay-gutom 13) :))

Ang mga susunod na eksena ay binabalutan ng maseselan na aksyon na gawa ng mga batang minor de edad kabilang ang awtor. :p

Pacific Suites, Dapitan room M05, oras: gabi.
Tapos ng mag-aral si Janina at ako, si Ate Aira naman ay wala sa loob ng kwarto noong gabing iyon. Si Charis ay nag-aaral pa rin para sa kanyang quiz kinabukasan. Hindi ko masyadong maalala pero Botany ata yung ni-rreview nya. Ako'y kumanta ng mga FOB (Fall Out Boy) songs at biglang nakisabay na si Janina. Ang mga kanta ay dedicated kay Charis Cauyao...parang bugaw lang kami habang nag-aaral sya. :))

Kumuha na kami ng mga bagay para gawin mic at nag-concert. Napakaingay talaga pero hindi lang ito pansin ni Charis. Maya-maya lang, kinuha na ni Janina ang kumot nya at binalot sa katawan animo'y gown ni Regine Velasquez. Kinuha ko man ang aking lampin para ipaikot ito sa ere, para cool. Tumatayo na kami sa kama at nagtatalon, pero wala paring pakialam si charis. Dahil hindi ito umepekto, binuksan na ni Janina ang laptop nya at nagpatugtog ng 'Nobody' at sinayaw namin ito ng bigay na bigay. Medyo napapagod na kami at namamaos pero tuloy pa rin ang laban!

Pinatay namin ang ilaw at napatigil si charis. Kinuha ko ang aking flashlight sa aking cabinet para gawin disco effects. Dahil napakadilim, mas kaakit-akit na ang paligid. Winagayway ko ang flashlight at parang disco na talaga, pero white ang ilaw. Sobrang sayaw na kami ni Janina at todo tagatak na ang aming pawis at pag-anod nito sa kasingit-singitan ng aming kilikili :)))))))

Nakuha na namin ang atensyon ni Charis na parang galit na sya sa amin. Naisipan namin syang bigyan ng regalo upang mawala ang inis nya samin. PInatugtog ni Janina and 'careless whisper' at biglang nanigas si charis sa kinauupuan nya. Sobrang nakuha na namin ang kanyang atensyon. Unti-unti na kaming gumiling kasabay ng mga kulot kulot na nota sa kanta. Mabagal na pagkembot palapit ng palapit kay charis. Sobrang tahimik na nya. :)) tapos patuloy p0a rin ang pagikot ng aming katawan, bababa, aakyat, kukuha ng props, at gigiling ng todo todo. Tumigil sandali si Janina---akala ko pagod na pero nagkamali ako. Tumabi sya sa kama ni Charis, hinawakan ang pole at pumaikot-ikot habang gumigiling pababa! grabeh, sobrang nanghina ako sa kakatawa. Puro kalokohan talaga sya.

Successful naman ang pang-aakit na nagawa namin kay Charis. Tawa talaga ako ng tawa sa mga reaksyon ni Charis. Akala nya, hindi kami marunong gumiling! nakakainis. Pero nakakahiya talaga ang mga pinaggagawa namin. Wag nyo itong tularan.

KO kami ni Janina after ng exhausting na pang-aakit na ginawa namin.

*wala talaga tong sense. I just wrote this after dinner. Walang magawa!

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment