Sa Filipino namin ay pinapagawa kami ng Oral na Kasaysayan ng isang tao. Naisipan ko gumawa ng pang-sarili ko. Kailangan kasi Senior Citizen ang gagawan ng Oral na Kasaysayan kaso feel ko mas interesting pag sarili ko. :))
Hindi naman ako Senior citizen kaya hindi siguro tayo nagkakalayo ng taon. malamang lamang kalang ng konting sampal at taon sakin kaya makaka-relate ka sa aking mga ikukwento. Ang Oral na Kasaysayan nga pala ay para ipakita ang pag-kakaiba ng generations ng mga tao. Alam kong para sa inyo, interesting ang nakalipas na mga dekada sapagkat hindi ninyo ito naranasan...sa tingin ko naman mas maganda ang istorya ko kasi ako ang "kinabukasan".
OK, sobrang egocentric na talaga ako. Na-kwento ko na ba tungkol sa paaralan kong pinanggalingan? syempre, alam kong sawa na kayo doon. Pero madami talagang pwedeng ikwento doon kasi maraming taon sa aking buhay na doon lang umikot.
Nag- Day Care ba kayo? ako kasi nag- Day Care. Nakasuot kami ng pulang damit (ang sakit sa mata) at merong belt na kulay puti. Tapos, ang cute ko! :)) napakataba ko pa. Ako ang pinakamatalino sa klase, :)) yabang no? hahahah I know,, Actually, sa likod lang ng aming bakuran ang building kung saan ako pumapasok. Magsasayang lang kayo ng pera pag-nag Day Care ka...Puro lamon lang ginagawa ng mga bata doon at guro! pakulay-kulay sa mga papel na pangit naman ang kalalabasan! Hindi talaga advisable yan. Isa ako dati sa pinaka-tamad pumasok na bata. Mas madami pa akong natututunan sa bahay o kaya sa ospital kung saan ako lagi dinadala ni Mommy.
Hinahatid ako ni Nanay Lita (yaya na mahal na mahal ako). Tapos, maarte ako kaya nag-papapakarga pa ko kahit marunong nako mag-lakad at mag-trike. Pagkahatid sakin, lagi kong sinusubukan na umuwi mag-isa kahit kiddie palang ako. Weird nga weh, naaalala ko pa mga kalokohan ko dati. Sharp ang memory ko! woot
Meron akong kalaro sa ospital namin na RonRon ang pangalan. Tapos kinukulong ko siya sa isang room para masaya. >:) Naglalaro man ako ng bahay-bahayan kasama si KlangKlang (kapit-bahay). Tapos, naghiwalay na kami ng landas noong nagiba ko ang bahay nya. :)) Noong panahon ko, uso talaga ang inuulit ang pangalan.
May pagka-terorista talaga ako noong bata ako. Hindi man kasi ako pinapayagan ng parents kong lumabas at makipaglaro sa ibang bata kaya batang-bahay at batang-ospital lang ako.
Uso man dati sa canteen ng school ko yung Chocolate cigarettes. Napaka-sarap talaga tapos loko! , mukhang totoo talaga. Ang name ba naman eh Chocoboro (parang Marlboro, pero FAIL). Hanggang lumaki ako, nag-hahanap pa rin ako noon sa sobrang sarap. Ipinagbawal na ata yun ng pamahalaan kasi masamang impluwensya sa mga bata. Ayun, iniyakan ko nalang para maka-recover sa linamnam.
Pag-nasa ospital ako, lagi akong nagpapanggap na doctor. Role-playing kung baga, pero totoong instruments ang ginagamit ko. Doon kasi ako laging dine-deposit ng parents ko. Kaya kung sinu-sino nakakahawak sa aking mailap na balat. :)) At syempre, ang bonggang-bongga kong attire na mahabang sando at panty. :)) matching colors pa!
Mahal na mahal ako sa ospital, kasi kailangan sumisip sa aking nanay. :)) ang evil ko talaga. Mahal ko man ang ospital sapagkat dito ang aking yungib taehan. Pagnagigidiyup ako, pinapalipit ko lang ang aking legs at nagtatago sa likod ng blinds para ma-stop ang pagbuga ng masamang usok at basura ng aking munting tiyan.
Isa ako sa pinaka-maarte na bata sa school namin. Para laging Christmas tree ang aking buhok until grade 5 ako. Meron pa akong sariling yaya para ipitan ang aking buhok na kung anung style gusto ko. Pinagsabihan ako ng Ninang ko (may ari ng school) kaya na-stop na ang aking kaartehan.
Uso man noon ang Mighty Morphin Power Rangers. Idol ko yung pink, kasi GAY ako na bata. Nag-pabili ako kay Mami ng action figure na Power Ranger Pink. di ba, nagiging tao man ang power rangers pag walang laban...Kaya naisipan ko tanggalin ang helmet nung action figure ko. Nang tinanggal ko na, nakita ko walang lamang ulo. Nainis ako ay Mami, at akala ko na tinatago nya ang ulo ni power ranger pink kasi pinagtatawanan niya ako.
Pinipilit ko siya ibalik ang ulo ni power ranger pink pero wala talaga. At doon nag-simula ang hindi ko pagkain at tuluyan pumayat ako. :)) Inspiration ko kasi si power ranger pink pag-kumakain. Akala ko magiging malakas ako at magkaka-helmet pag kumain ako. Eh wala naman pala syang ulo. :)))) ang babaw talaga.
Merong uwi si Mami na Pluto stuffed toy from Disney Land Florida. Mahal na mahal ko ito at until now buhay pa siya pero kupas na ang tenga. Yung tenga kasi noon ang kinakagat kagat ko. Natuyuan na ng laway ko. :))
Syempre, nang lumaki ako, may advance technology na. Nauso ang gameboy at naadik ako dito. Ako nalang walang gameboy habang yung ibang mga bata meron na. kaya nagpabili ako. Laging umaalis si Mami, pumupunta sa ibang bansa para sa mga medical conventions. Nag-punta siya ng london at doon nya ako binili, kahit akala ko na nakalimutan na nya ang wish ko for my b-day. saktong b-day ko kasi sya dadating dito noon sa Pilipinas. Guess what? I got the colored gameboy from London, at hindi pa noon yun dumadating sa pilipinas. Puro hindi colored. oha!!! love ako ni Mommy.
Nang-lumabas at nauso na ang playstation, dito na naiba ang buhay ko. Lalo akong naging walanghiya. :))))) hindi na ako lalo nag-aral ng mabuti.
Mahilig man ako maligo sa labas ng bahay. EXPOSED. :)) napaka child porn. :)) Kami nila Trisha at Jolo ay naliligo sa front yard ng bahay namin. Nagpapa-shot kami ng tubig gamit an mga garden hose. Tapos yung yaya namin, meron pang umbrella sa ulo, parang tanga lang!
Naglalaro man ako sa ospital gamit ang injections and syringe as water guns. Nauubos ang supply namin at nauubos din ang damit ng mga nurses sa kakapalit. :)) Pero syempre, hindi nila ako pwede pagalitan. bwahahahah! >:)
Maaga akong natuto ng bike sa usual na bata. Pero paikot-ikot lang lagi sa garahe namin at basketball court. Trip ko man mag-padausdos sa bundok bundok na landscape sa aming bahay. Nang minsan, inaya ko ang yaya ko na maki-join sa mountain sliding kaso ayaw nya. Nang malapit nako mag-slide, naunahan ba naman ako ng yaya ko! :)))) nauna pa siyang bumalintuwad sakin! itsura lang! napaka-PANNY.
Sagana ako sa libro noong bata ako until now. Kaya akala ng mga tao pagnagsalita at nagsulat ako, matalino nako. Pero hindi naman, listo lang naman ako. Ang kaibahan nga lang, supply ng magulang ko ang libro, eh ngayon ako na ang bumibili. Mahilig man akong magbasa simula bata palang ako. Mga story books at encyclopedia ang mga una kong binanatan.
At sumasama ako sa yaya ko mamalengke, pero illegal! kasi bawal talaga ako lumabas, over protective para kay bunso, bawal daw ako mag-english. Kasi nga, hindi daw siya makakatawad sa bilihin.
Grade 6 lang ako natuto sumakay ng tricycle at jeep. Grabeh! ang tanga ko talaga. Mahilig man ako mag-drawing noong bata ako, pero laging walang kulay kasi hindi talaga ako magaoling mag-kulay.
Kasabayan ko man lumai sila Rosalinda at Marimar sa teleserye. Pero syempre, hindi mawawala ang Batibot at Barney sa bawat bata sa aking henerasyon. Nag-ballet man ako, at napaka-walang kwenta. Ang natatandaan ko nalang ay ang teacher namin na BAKLA na may hikaw kung saan2x sa mukha. Kabilang ang dila at buhok sa ilong.
May kwento ako kaibigan, ikaw meron ba? ito ang kwento noong bata ko, aking kasaysayan binigyang buhay ng mga simbolo na ginamit sa tekstong ito. ;)
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment