"I NEED SLEEP! S.O.S"
-Yan na siguro sinisigaw ng utak at katawan ko. Ilang araw na rin akong irregular ang tulog at sobrang pagod. I need to study for my exams kasi. Oh well, at least tapos na siya and I'm finally coming home to Bulacan. Medyo matagal nga lang bago ako makauwi. Sunduin pa kasi ako ng kuya ko around 5:00-5:30 pm. Tagal naman. Ayan tuloy, napasulat ako ng prose at isang blog. Sobrang boring. Hindi naman na ko makatulog. Ngayon palang ata nag-eeffect yung mga coffee at pampagising kong ininom. Lahat ng pampagising sinubukan ko na maka-ahon lang sa lintik na finals na yan. :))
Actually, para akong Zombie na pumapasok para mag-exam. Bangag na bangag at lutang na lutang. Grabeh talaga, ITSURA KO! woot! nakakainis lang. Matagal na rin akong hindi umuuwi ng bulacan. Na-miss ko ng mag-bike at matulog ng buong araw. Manuod ng Series sa hapon at matulog ulit. Buti nalang at kadamay ko si Eve Roxanne sa mga nararanasan ko ngayon.
Ilang bonamine na rin ang nainom ko dahil sa sobrang hilo. Puro iced coffee nalang nasa katawan ko ngayon. Naligo nako ng dalawang beses magising lang. Juice ko! tapos, pag matutulog na...hindi naman ako makatulog sapagkat puro Neuroanatomy o kaya naman Zoology laman ng Utak ko.
Ilang araw na rin ako nananaginigp tungkol sa sinumpaang 'hippocampus' na yan! :)) tagal parin ng sundo ko. Gusto ko ng umuwi. Total bummer nako dito. Walang magawa. Masyadong pagod naman para gumala. 1 hour pa akong maghihintay. Gusto ko ng mag-upload ng mga blogs ko. Sabog-sabog na mga mata ko. Hindi nako mangiti...pilit na pilit nalang. Di na rin ako masyadong nagsasalita.
Kahapon (thursday,Oct.22, 2009), nakita ako ni Ikee sa ground floor ng Main Building sa UST. Sabi niya, " Oi sam". Tapos sabi ko,"oi". Tapos bigla akong umalis na parang hidni ko siya kilala. Natauhan lang ako na si Ikee pala yun nung nagkita na kami ni Rox. :)) Ang Loser ko. Sinungitan ko pa! Then after namin pumunta ni Rox sa Chapel, muntik nakong masagasaan. Akala ko tao, sasakyan na pala! :)) muntik pako mamatay dahil sa puyat oh!
Lagi nalang ako tulala. Tapos ang dami kong nakakalimutan. Naiwanan ko ba naman ako cellphone ko sa condo tapos akala ko nawala ko sa UST. :)) para talaga akong sira!!!
Sana maging normal na ulit ang buhay ko. O kaya naman sana hindi ako maging irregular sa pasukan. Tae lang. Masaya na sana ang buhay kasi, nakakasagot naman ako sa exams. Sulit ang puyat! Medyo sumabit nga lang sa last exam namin, :c aww. Pero sana magkaron ng himala na pumasa kami ni Roxanne!!! grabeh. Nagpuyat ako para sa Math tapos parang nawala lahat ng pinag-aralan ko.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment