First year comes with new friends and new experiences. We had a typical project in a typical subject that made everything extraordinary. Just agree and let mefinish ;)
We had our pyhysical earth science project about ______*memory lapses* , i forgot. Basta, it had something to do with valleys and cheverloo. Since we had new classmates and old ones, we made a good team. I paired with Janina nff palang kami nyan...(new found friend) and michelle, my buddy from elementary.
So, medyo uncomfortable kasi nga hindi pa kami gaano close then we had to work for a project that would really take time and time would be spent together. Meron kaming kalaban na group (ikee,mela, kathleen), kasi kamukha din nung naka-assign samin. Tapos, hindi naman talaga maganda yung kanila tapos sila pa nanalo. hahaha >:) oh well, we started making the mountains from a toothpick box. Binalutan, pinatungan pa kami ng dyaryo. Xempre, hindi magkakadikit yung mga paper if walang glue di ba? eh mahal ang Elmer's glue tapos need namin ng super dami. Buti nalang at nag-dala si Janina ng gawgaw.
Pumunta kami tatlo sa banyo to prepare the gawgaw mixture. whatever. Hinalo namin with our hands...tapos ang FUN. really! parang champorado kaso puti...pararng oat meal na ubod ng lagkit. Imagine!!! tapos dahandahang hinahalo...bawat pulbos na natitira ay hinihimay sa tubig...nakababad...basang-basa, masayang-masaya. :D
Basta, kadiri yung ginawa namin. Next ay ginamit na namin sa mga bundok hanggang nagkaron na kami ng dalawang bundok. Na-set up na namin ang field gamit ang styro at felt paper. Talagang sosyal kami...yung kila Ikee kaya ay illustration board lang na binadbaran ng tissue. :)) amp pangit.
Naiwan for the weekend yung projects namin...sa room. :D tapos nung next meeting na to make the project, biglang may umaamoy sa room namin. Akala namin ay simpleng pasabog ng tiyan ng isa sa mga kaklase ko pero hindi pala.Mula a malayo palang, nalanghap na namin ang simoy ng gawgaw. EEW talaga. Tapos nakulob yung basang gawgaw sa bundok kaya ito'y mabahong mabaho. Kadiri talaga. Kawawa kami nila Michelle sapagkat tiniis namin ang amoy magawa ang ang project. na-dissensitized na kami. :))
Tapos, walang lumalapit sa group namin dahil napaka baho talaga. Kami'y nakakaawa ng sobra. Naisipan ko mag-dala ng Lysol (pampabango ng banyo). Umepekto ito nung una pero natalo parin ng halimuyak ng kulob na gawgaw. :))Wait ah, natatawa na talaga ako sa aking mga sinusulat.So, hindi nag-effect ang Lysol number one...kaya nagdala ako ng Lysol number two. Walanghiyang bundok yan! walang talab talaga. Nakakahiya sa mga 4th year nun (batch nila ate A/ wii special mention!!! kelngan mabasa nya to!). Super wala ng pumupunta sa laboratory at iniiwasan pa yung project namin.Sila pa naman ang judge kaya paniguradong talo na kami. Nakakainis. Ang nanalo pa yung pangit na valley nila Ikee..cheap. Tapos tumaas lang ata grade nun kasi hindi mabaho at merong asong Naruto na nakapatong.Yung mga bahay nila, halos kalahati na ng laki ng bundok. Hindi realistic (ang bitter ko until now).
Aba syempre!!! super pagod ang hirap yung gawgaw mountain namin. Baho at hirap pala! napakabigat pa, halos lulusot na dun sa styro. Lintsak. Puro lait at kutsa pa ang natamo namin. Napaka sakit talaga lalo na't tuyo na ang aming mga damdamin. wii, makata pala ako noh. :)
Natapos ito noong natalo kami. Ang project namin ay kasulukuyang nasa bodega ng laboratory at pinagpapatuloy ang kanyang paghahasik ng noli me tangere. :)) at least, meron kaming naiwan na alaala sa aming dating iskwelahan. Yung kila ikee at mela kais sinunog na. >:))
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment