Tuesday, December 22, 2009

Meeting Place, El Benavides


Madalas kami nagkikita ni Ikee sa UST. Well, actually sinasadya…wag kayong maingay wah. Lagot kami nyan!

Kasama naming lagi si Eve pag nagkikita kami, oh kaya naman yung ibang gusting sumama.

Madalas akong naliligaw pag hinahanap ko si Ikee at madalas siya ang unang nakakakita sakin.

Ang meeting place kasi namin ay sa harap ng Main Building. Pero hindi lang basta sa harap kung hindi sa Gitna pa ng Plaza Mayor.

Mala-Koreanovela ang drama pagnagkikita kami nila Eve at Ikee. Pano naman kasi pag tumakbo si Ikee parang naka-slowmo, pero natural lang na takbo yun ni Ikee.

Pano kasi ang hinhin nya, tapos nakakatuwa pang tumakbo! Imagine! Ahahaha
Tapos, sabay hug effect pa kami nila Eve, paran noon lang ulit kami nagkikita-kita.

At least, once a week meron kaming friendly bonding. Hindi nauubusan ng kwentuhan at lagging masaya…umulan, bumagyo, malubo, mabasa!

Usually, Friday nagaganap ang lahat ng iyon. Minsan naman nagkakasalubong kami ni Ikee sa UST nang hindi sinasadya. Pano naman kasi isa akong galang tao. Toink.

Sana magpatuloy ang aming magandang samahan, xet—ang drama! Kahit busy kaming lahat pinipilit parin naming mag bonding. Mabilis maubos ang oras pag kasama ko sila. Laging ang bilis lang ng nangyayari.

Don’t worry madadagdagan pa ang aming adventures! Aja aja
Tapos, yung iba naming meeting ni----secret lang! haha, kasi minsan masarap pag dalawa lang kayo. Either si ---- at --- lang kasama ko lagi.

I miss them already.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment