Tuesday, December 22, 2009

Condo Labada


Kinailangan na ni Charis mag laba ng kanyang uniform para may magamit siya sa mga susunod na araw. Halata naman sa kanya na hindi siya maruong o kaya naman hindi talaga sanay maglaba.

Katawa-tawa talaga ang mga pinaggagawa niya at nairita ditto si Janina. Tinulungan ni Janina si Charis maglaba ng kanyang uniform. Tinuruan nya man si Charis ng tamang paglalaba para sa susunod, hindi kahiya hiya ang kanyang labada skills.

Actually, si Janina na talaga ang nag laba ng uniform ni Charis. Naka-menos pa ng pera pang pa-laundry si Charis at menos pa ng ginamit na enerhiya. Wahahaha

Grabeh, kung makikita nyo talaga si Charis mag-laba, matatawa kayo. Hindi talaga siya marunong.

Oo, tama. Puro nga pagyayabang ang ginagawa ko sa pag sulat ng blog na to. Hindi man ako marunong maglabaa at daig pako ni Charis. Ginanawa ko lang ito pagtakpan ang sarili.

Pano naman kasi pag ginawa kong bida ang sarili ko, lalabas na maarte ako at kung anu ano pa….sira pa image ko ng bonggang bongga!!!

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment